Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni Jessica “Gigi” Reyes’ na hindi dumalo sa paglilitis sa kanyang kasong plunder at graft.
Mababatid na ang mga kaso ay nag-ugat mula sa umano’y ilegal na pagpapalabas ng P172 million discretionary fund ng kanyang dating boss at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile.
Paliwanag ni Sandiganbayan Third Division Associate Justice Bernelito Fernandez, kailangang tumalima ang anti-graft court sa desisyon ng Supreme Court na pagbigyan si Reyes sa kanyang petisyon para sa habeas corpus at pansamantalang pagpapalaya, sa kondisyong pisikal na dadalo si Reyes sa mga trial days para sa kanyang pending plunder at graft raps.
Sa petisyon ng kampo ni Reyes, binigyang diin ng counsel nitong si Christian Diaz, na ang presensya ng kanyang kliyente ay hindi kailangan sa mga trial dates, na itinakda ng Third Division kada Martes at Huwebes ng bawat buwan, simula sa Pebrero.
