Sandiganbayan, hinatulang guilty si dating ARMM Gov. Nur P. Misuari

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang 85-anyos na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Nur P. Misuari at anim na iba pa.

Sa 68 pahinang desisyun ng Sandiganbayan, napatunayang guilty si Misuari sa dalawang kasong graft.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ito ay may kaugnayan sa P77 milyon na halaga ng maanomalyang pagbili ng education materials noong 2000 at 2001.

Makukulong si Misuari ng mula anim hanggang walong taon sa kada kaso.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Pinagbawalan na rin siyang magkaroon pa ng posisyon sa gobyerno.

Samantala, abswelto si Misuari at anim na iba pa sa kasong malversation through falsification.

Sinabi ng anti graft court na nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala ang mga akusado.