DA chief: Mas mararamdaman ng mga Pilipino ang epekto ng food crisis sa Q4 ng 2022

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na mararamdaman ang epekto ng nakaambang food crisis sa bansa sa Oktubre hanggang Disyembre.

Una nang sinabi ni DA Secretary William Dar, na may paparating na food crisis sa bansa, dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic at ng Ukraine-Russia conflict, na siyang nag-udyok para tumaas ang presyo ng langis.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Binigyang diin naman ni Dar, na ang pagpapataas sa local food production ay ang susi para matugunan ang nakaambang krisis.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Ayon sa kalihim, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Plant, Plant, Plant Program Part 2, na may malaking layunin na mapataas ang local food production para sa major commodities na mayroon ngayon sa Pilipinas. //MHEL PACIA