Sandara Park, naghahanda sa kanyang pagbalik-Pilpinas

Excited nang umuwi si Kpop star at pambansang “krung-krung” Sandara Park sa Pilpinas para sa kanyang grand comeback sa isang concert sa Maynila.

Makakasama ni “DARA” sa stage ang mga sikat na K-pop groups na Lapillus, Kepler, at Mamamoo sa tinaguriang “The Super Stage by K-pop in Manila” na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Sandara, ipe-perform niya ang kanyang solo tracks sa unang pagkakataon, kasama ng kanyang latest single na FESTIVAL.

Maaalalang umuwi ito noong July 2022 para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum kung saan nakasama nito ang GOT7 members na sina Bambam at Jackson Wang.