Sandamakmak na bulok na bigas, umaalingasaw sa Aborlan, Palawan

Nakunan ng video ni ka- Brigada Melody Pedida Oliva Yambao ang sandamakmak na mga bigas na nagkalat sa National Highway ng Barangay Iraan sa Aborlan, Palawan.

Ipinakita niya ang mga sako-sakong bigas nang madaanan nila iyon lulan ng sasakyan noong Linggo Marso 31, 2024.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon sa uploader, sobrang nakakapanghinayang ang nangyari dahil sa mahal na bigas ngayon subalit ang kanyang nasakskihan ay hindi na mapakikinabangan dahil nabulok na.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa kabila nito, palaisipan sa mga opisyal ng barangay kung saan ito nanggaling at kung sino ang responsable sa paglalagay doon ng mga bigas.

Samantala, nakikipag-ugnayan ang Brigada News sa Lokal na Pamahalaan ng Aborlan tungkol sa insidente.