Isinailalim na sa State of Calamity ang San Marcelino, Zambales dahil sa pinsalang iniwan ng magkasunod na bagyong Egay, Falcon at Habagat.
As of August 4 base sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay nasa 515,771,147.04 na ang halaga ng napinsala sa sektor ng imprastraktura at agrikultura habang may apat na kabahayan rin ang nasira.
Ang pagdedeklara ng state of calamity ay alinsunod sa Resolution No. 2023-110 nitong nakalipas na araw.
Ayon kay Mayor Elmer Soria, ang pagdedeklara nito ay magpapahintulot sa LGU na magamit ang bahagi ng local calamity fund para sa mas malawak na pagpapaabot ng tulong sa mga mamamayang lubhang naapektuhan ng kalamidad at maging sa pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ang Department of Trade and Industry ng Price Freeze sa mga pangunahing bilihin sa bayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: San Marcelino PIO
