Pope Francis, kinondena ang pagkamatay ng mag-ina sa loob ng simbahan sa Gaza

Ikinalungkot ni Pope Francis ang pagkamatay ng dalawang babae sa isang parokyang Katoliko sa Gaza.

Sa pagtatapos ng kanyang Angelus prayer, nakakalungkot na patuloy siyang nakakatanggap ng mga seryoso at masasakit na balita mula sa Gaza.

Iginiit rin ng Santo Papa na walang terorista sa loob ng simbahan, kung hindi mga pamilya, kabataan, may mga sakit, at mga disabled persons lamang. kaya’t mahigpit niyang kinokondena ang nangayri.

Inanunsyo ng Latin Patriarchate of Jerusalem noong Sabado na isang Kristiyanong mag-ina ang binaril ng isang sundalong Israeli sa bakuran ng nag-iisang simbahang Katoliko sa Gaza Strip.

PHOTO COURTESY: Pope Francis (Facebook)