Salceda, planong itaas ang minimum wage sa 1K sa pamamagitan ng pagbawas ng energy cost sa P7/kilowatt-hour

Plano ni House Ways and Means panel chairperson Joey Salceda na itaas ang minimum wage sa P1,000 sa pamamagitan ng pagbabawas ng energy cost sa P7/kilowatt-hour.

Ayon sa Kongresista, ang kaniyang plano ay tinalakay niya sa pagitan ng Joint Foreign Chambers of the Philippines na posibleng magbibigay-daan umano sa mga manggagawa na mamuhunan ng 35% ng kanilang kita sa pension, health insurance at pabahay na lilikha ng isang bagong middle class sa bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi ni Salceda, para mapababa ang mga gastos sa kuryente, dapat gumawa ng malaking pamumuhunan upang makabuo ng 30 gigawatts ng renewable energy capacity sa bansa.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Dagdag pa nito, dapat magkaroon ng plano ang gobyerno na palakasin ang renewable energy investments na magreresulta sa mas maraming pamumuhunan sa ibang sektor.

Sa paggawa nito, sinabi ni Salceda na kailangang linawin na ang renewable energy ay bahagi ng green financing gaya ng tinukoy sa mga implementing rules and regulations ng Agri-Agra amendments.//CA