Nagbigay ng marching order si Pangulong Bongbong Marcos kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino sa pag uwi ng mas maraming medalya habang naghahanda ang bansa para sa 2024 Paris Olympics.
Sinabi ni Tolentino na inaasahan ng Punong Ehekutibo na malalampasan pa ang pinaka matagumpay na kampanya ng bansa sa nakaraang Tokyo Games.
Ito ay matapos mag uwi ang lifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng pambihirang Olympic gold medal gayundin ang silver at bronze ng mga boksingero na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial sa Tokyo Games.
Sa ngayon, hinahangad ni Tolentino na makapag-qualify ng hindi bababa sa 12 o higit sa 19 na atleta na ipinadala ng bansa sa Tokyo noong nakaraang taon.

Naniniwala rin si Tolentino na naipapatupad ng maayos ang magandang relasyon ng POC at ng gobyerno sa pamamagitan ng sporting arm nito na Philippine Sports Commission.//CA