Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,283 na mga bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas sa loob ng limang araw, sa harap ng pagtaas naman ng active cases sa 18,899.
Ito na ang ikalawang sunod-sunod na araw na mahigit isang libo ang naitatalang kaso.
Kaugnay nito, lomobo pa ang kabuoang caseload sa 4,038,716, habang tumaas ang recovery tally sa 3,955,135, at ang total deaths naman ay umakyat sa 64,682.

Kabilang sa mga rehiyon na may mataas na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) sa 4,472 cases, sinundan ng Calabarzon sa 1,912, Western Visayas sa 1,005, Central Luzon sa 997, at Central Visayas sa 958. //MHEL PACIA