Sako-sakong relief goods, naihatid ng PAF sa Davao de Oro

Tuloy-tuloy ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ng mga awtoridad sa mga apektado ng kalamidad sa Davao Region.

Ang bayan ng New Bataan sa Davao de Oro na lubhang naapektuhan ng sama ng panahaon ay nahatiran na ng tulong Sa pamamagitan ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao at Pamahalaang Panlalawigan.

Read More:  Palace sees no need for state of calamity amid El Niño

Hirap maabot ang lugar dahil sa mga pagguho ng lupa o landlides at pagbaha.

Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief Col. Ma Consuelo Castillo, gamit ang kanilang dalawang (2) Bell 412 CUH helicopter, naisakatuparan ng PAF ang transportasyon ng 800 sako ng relief goods sa Munisipyo.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Ayon sa PAF, patuloy silang makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa mga rehiyong apektado ng weather disturbances