Na-rescue ang 45 na mga empleyado ng APEX Mining matapos ang landslide sa isang mining village sa Davao de Oro.
Sa ulat ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) – mula ito sa 86 na mga empleyado na inisyal na napa-ulat na na-trap sa pagguho ng lupa.
Sa naturang bilang – 42 ang nananatili sa evacuation area; habang tatlo ang kritikal ang kondisyon.
Pansamantala namang nahinto ang rescue operations dahil sa hindi stable na lupa.
Pansamantala namang in-evacuate ang 86 pamilya sa paligid ng area.
Sa ngayon – pahirapan pa rin ang operasyon at signal.
Nagpadala na rin ng iba’t ibang military vehicles; at choppers para mahanap ang natitirang 41 na mga indibidwal.