SAICT Enforcer, muntik nang madisgrasya matapos parahin ang pasaway na motoristang dumaan sa EDSA busway

Muntik nang madisgrasya ang isang babaeng enforcer ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) matapos parahin ang pasaway na rider na dumaan sa EDSA busway kaninang umaga.

Ayon sa SAICT, nahagip ang rider na dumaan sa EDSA busway at kumabig papalabas ng bus lane nang makita ang mga operatiba.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Agad naman itong napansin ng babaeng enforcer at buong tapang na hinarap at hindi nag atubiling harangin ang rider.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Gayunpaman, nakatakas ang violator ngunit malinaw na nakuha ang plaka nito.

Sa huli, ligtas at walang natamong galos ang enforcer habang kasalukuyan nang hinahanap at tinutukoy ang record ng tumakas na rider sa tulong ng Land Transportation Office (LTO).