Private mini zoo sa Masbate City, ipinasara matapos mag-viral ang pagpapakain nito ng pusa sa isang sawa

Ipinasara na ng pamahalaang lungsod ng Masbate ang isang pribadong mini zoo matapos magviral sa social media ang isang video kung saan ipinapakain ang pusa sa isang sawa.

Nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng City Veterinarian Office at Business Permits And Licensing Office upang makipag-usap sa may ari ng zoo.

Napag desisyunan na tuluyan nang ipasara ang zoo at iturn over ang lahat ng mga hayop sa mga kinauukulan matapos ang malalimang assessment at kolaborasyon sa mga kinauukulang ahensya.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Tiniyak ng Masbate City LGU na magpapatupad sila ng mas mahigpit na regulasyon at magsasagawa ng regular na inspeksyon para mapanatili nilang pasok sa pamantayan ang mga pasilidad at ang mga hayop.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Pinuri naman ng Philippine Animal Welfare Society ang mabilis na aksyon ng Masbate City LGU na insidente.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang taong responsable rito.

Maghahain rin ng criminal complaints ang mga opisyal ng Masbate City laban sa mga namamahala ng zoo at mga taong nasa likod ng paglalagay ng pusa sa loob ng kulungan.