Guo, posible umanong ma-contempt sa susunod na pagdinig sa Senado kung patuloy na magsisinungaling

Binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na posible ng ma-cite in contempt at ma-detain sa Senado si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa darating na pagdinig.

Ito ay kung magpapatuloy pa rin ito sa pagsisinungaling tulad ng ginawa niya sa mga naunang pagdinig kung saan itinanggi niya ang koneksyon niya sa kanyang dalawang kapatid.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Gatchalian, hindi nila na-contempt si Guo sa mga naunang pagdinig dahil public officer ito at binigyan nila ito ng leeway para ipaliwanag ang kanyang sarili bilang lingkod bayan.

Ngunit dahil na-suspend na ito at mayroon ng nag-ooperate o nagpapatakbo sa Bamban ay posible na nila itong gawin.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Maalala, una ng sinabi ni Gatchalian na kumpiyansa siyang si Guo at ang Chinese national na si Guo Hua Ping ay iisa lang, ibig sabihin hindi siya Pilipino at wala na rin siyang karapatan pang manatili sa bansa dahil paso na ang kanyang visa.