Sagñay, Camarines Sur- Tiwi , Albay road hindi muna pinadaaanan dahil sa pagguho ng lupa at mga bato kahapon

NAGA CITY- Gumuho ang mga bato at lupa sa Patitinan , Sagñay Camarines Sur kahapon.

Ayon kay Vice Mayor Harold San Felipe hindi muna pinadaanan ang lugar partikular an sa Sitio Setenta Y Dos, kaagad naman na nagsagawa ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jam Tria ng MDRRM, kahit na nga kayang daanan ang Sagñay- Tiwi road delikado dahil sa active rockfall at may paggalaw na ng lupa sa taas ng budok.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Inabisuhan na rin ang mga nasa lugar na maging mapagmatyag, pinalikas ang isang pamilya na napakalapit sa pagguho.

Mababatid na ilang linggo nang inuulan ang lalawigan dahil sa Shearline at Amihan, kahapon lamang Enero 31, 2023 nang medyo bumuti na ang panahon sa malaking parte ng probinsya.