Safety Seal iginawad ng DILG sa bayan ng Casiguran, Sorsogon

SORSOGON CITY – Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG)  ang kauna-unahang Safety Seal Certification  sa munisipyo ng Casiguran sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa pagsunod nito sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan,

Ayon sa Executive Assistant to the Mayor at Information and Tourism Officer na si Angel Ayala, napakahalaga ng nasabing sertipikasyon dahil pagpapatunay ito na compliant ang lahat ng mga government offices at lahat ng mga establisamiyento sa kanilang bayan sa mga health protocols na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Paliwanag ng opisyal, upang maisyuhan ng nasabing sertipikasyon ay kinakailangang pumasa ang LGU sa isinasagawang inspeksyon ng DILG kung nasusunod ba nito ang ipinatutupad na mimimum health standard na  kinabibilangan ng pagkakaroon ng mga isolation booth, plastic barrier, logbook, sanitizer at thermal scanner,  gayundin ang pagrerequire sa mga kliyente at kustomer na magsuot ng facemask at faceshield.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Una rito ipinagmalaki ng opisyal na ang kanilang bayan ang kauna-unahang LGU sa buong lalawigan na naselyohan ng nasabing safety seal mula sa DILG.

Ang Safety Seal ay ang tatak ng kaligtasan at  ginagarantiyahan ang pagsunod nito sa itinakdang  kalinisan, pamantayan sa kalinisan at mga protokol na pangkalusugan.