Sabwatan ng mga BOC port personnel at mga smuggler ng asukal sisilipin ng Palasyo

Nagbabala ang Malakanyang na hindi nito sasantuhin ang sinuman kung mapapatunayan mayroong sabwatan sa pagitan ng mga port personnel ng Bureau of Customs at mga smuggler ng asukal.

Ginawa ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pahayag matapos mabuking na mayroong mga smuggler ang nagpapalusot ng mga asukal gamit ang mga recycled na sugar import permits.

Una nang inatasan ni Executive Sec. Vic Rodriguez, batay na rin sa direktiba ng Pangulo, na imbestigahan ang posiblidad na ang nasabat na mga asukal sa dalawang warehouse sa San Jose Del Monte, Bulacan ay imported sugar na ni-repack lang gamit ang mga sako ng local brand.

Napag-alaman din ayon kay Angeles na hindi rehistrado sa Sugar Regulatory Administration ang mga warehouse na ni-raid kahapon.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Dagdag pa ng Press Secretary, na mas lalo pang tumaas ng suspetsa matapos sabihin nang may-ari ng bodega na kaya maraming naka-imbak na asukal ay dahil sa ‘matumal’ na bentahan.

Sa usapin naman ng nahawang na sugar shipment, lalo lang umanong lumakas ang duda ng madaliang paglalabas ng Sugar Order No. 4.