Simula bukas ay ipatutupad ang panibagong round ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga oil companies, mayroong diyes sentimos na rollback sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P1.05 na tapyas sa kada litro ng diesel; at P0.45 na bawas sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad ang adjustment alas-sais ng umaga buka sa Pilipinas Shell, SeaOil, at PetroGazz; habang alas-otso naman sa CleanFuel Philippines; at hatinggabi sa Caltex Philippines.
#