Sa gitna ng mga kontrobersyang kinahaharap ngayon ng Department of Agriculture at ng Sugar Regulatory Administration – nanumpa kay Pangulong Bongbong Marcos ang isang bagong opisyal nito.
Sa Facebook post ni Marcos, nagpaabot ito ng pagbati para sa appointment ni Domingo Panganiban bilang DA Undersecretary.
Ayon kay Marcos, isa raw karangalan para sa kanya na makatrabaho ang isang dalubhasa sa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bayan lalo na sa sektor ng agrikultura.
Si Panganiban ay dati na ring Agriculture Secretary noong 2001 sa ilalim ni dating pangulong Joseph Esrada, at bumalik din noong 2005 sa ilalim naman ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
#