LEGAZPI CITY – Nakalatag na ang anim na Animal Veterinary Quarantine Check-point sa ilang lugar sa lalawigan ng Albay upang hindi makapasok ang anumang klase ng sakit sa hayop.
Ayon kay Dr.Manny Victorino, ang assistant veterinary officer ng Albay Provincial Veterinary Office, inaasahan na ngayong linggo ay maglalagay na rin ng border control points ang ilang munisipyo sa lalawigan.
Hindi na rin bago sa mga LGUs ang paglalatag ng control point dahil bago pa man pumasok ang pandemya ay naglagay na rin sila nito dahil sa sakit na African Swine Fever (ASF). Sinabi ng opisyal, inaasahan na rin na ang bayan ng Daraga, Manito, Jovellar at Libon ay maglalagay na rin ng Quarantine checkpoint laban sa mga sakit na hayop tulad ng ASF at iba pa.