Russian forces, hinahadlangan ang civilian evacuations ayon kay Zelensky

Naiulat ni Ukranian President Volodymyr Zelensky na hinahadlangan umano ng Russian army ang evacuation ng mga sibiliyan sa pamamagitan ng humanitarian corridors na napagkasunduan sa mga talks kasama ang Moscow.

Sinabi ni Zelensky sa isang video na naka-post sa Telegram na nahihirapan ang mga sibilyan na lumikas dahil sa mga nakapwestong tangke, multiple rocket launchers, at Russian mines.

Inihayag ng Ukranian leader na nagtanim ng mines ang Russian forces sa daanan na napili para sa pagpapadala ng pagkain at gamot sa Mariupol, kung saan ay nagaganap ang bakbakan ngayon.

Ipinunto rin ni Zelensky na pinasabog ng Russian troops ang mga bus na gagamitin sana ng mga sibilyan para makatakas mula sa combat zones.

Tiniyak naman ni Zelensky na patuloy na makikipagnegosasyon ang Kyiv sa Russia upang makabuo ng peace deal.