Muling sisimulan ng Russia at Ukraine ang face-to-face peace negotiations sa gitna ng babala na ang sitwasyon sa Mariupol ay malala na.
Kaugnay nito, pinuri ni President Volodymyr Zelensky ang resumption ng over-the-table talks, at sinabing dapat ibigay ang kapayapaan nang walang delay at magbigay ng kahandaan mapra magkasundo sa pinakasensitibong mga paksa.

Ang dalawang panig ay hindi nagkita ng personal sa loob ng ilang mga linggo, pero magsasagawa ng tatlong araw na pulong sa Istanbul.
Mababatid na may ilang mga pag-uusap narin ang nabigo para tapusin ang giyera na nag-ugat sa paglusob ng Russia sa Ukraine, na nasa dalawang buwan na ngayon.
Una nang sinabi ni Zelensky na maingat niyang ikinokonsidera ang demand ng Russia ng pagkakaroon ng Ukrainian “neutrality” at sinabing handa siyang makipagnegosasyon para sa kapalaran ng Donbas.