Nagtamo si Arellano University big man Justin Arana ng partial tear sa anterior cruciate ligament (ACL) sa kanyang kanang tuhod.
Dahil dito, hindi muna makakasama si Arana sa buong NCAA Season 97 men’s basketball tournament.

Nakuha nito ang injury sa 1:47 ng laro sa Chiefs’ game laban sa San Sebastian College noong Linggo sa La Salle Greenhills Gym.
Si Arana ay mayroong 16 points, 15 rebounds, at four blocks sa mahigit 35 minuto na paglalaro bago, magtamo ng injury.
Dahil dito, nanalo ang Chiefs sa 65-63.
Samantala, sa kabila ng setback, inaasahan parin na makakasama si Arana sa nalalapit na PBA Rookie Draft.