Nagpakawala ang Russian forces ng mga rockets sa napapalibutang steel works sa Mariupol, kung saan may 200 sibilyan pang na-trap sa kabila ng ikinasang paglikas.
Ang naturang pag-atake ay kasunod ng napagkasunduan nila ng UN na ceasefire sa palibot ng Soviet-era steel complex na nagpapahintulot sa ilang grupo ng mga sibilyan na umalis mula sa huling holdout ng Ukrainian fighters sa southern port nitong mga nakaraang araw.
Nabatid na ang Mariupol ang major target ng Russia, dahil gusto nito na mawala ang Ukraine mula sa Black Sea at ikonekta ang Russian-controlled territory sa south at east.

Samantala, handa na ang European Union para magpatupad ng sanction sa Russian oil.
Sa Brussels, inaasahan nang pinafinalize nalang ng European Commission ang sixth package ng EU sanctions laban sa Russia, kabilang na ang posibleng pagbawi sa pagbili ng Russian oil. //MHEL PACIA-TRINIDAD