Nilagdaan ni Russian President Vladimir Putin ang isang decree hinggil sa retaliatory economic sanctions, bilang tugon sa unfriendly actions ng ilang foreign states at international organizations.
Wala namang ibang detalye ang naturang dokumento kung sinung mga indibidwal o entities ang maaring maapektuhan ng naturang hakbang.
Batay sa decree, ipagbabawal ng Russia ang pag-export ng mga produkto at raw materials sa mga tao o entities na kanilang paparusahan.

Kaugnay nito, ipagbabawal rin ang transaksyon sa mga foreign individuals at kompaniya na pinatawan ng retaliatory sanctions ng Russia at pinayagan ang Russian counterparties na hindi na tuparin ang kanilang mga obligasyon sa kanila.
Sa ilalim ng decree, binigyan ng 10 araw ang Russian government na mag-compile ng mga listahan ng foreign individuals at companies na papatawan ng sanction. //MHEL PACIA-TRINIDAD