Russia, nagdeklara ng ceasefire para sa paglikas ng mga sibilyan sa Azovstal steel plant

Inanunsyo ng Russia’s defense ministry ang pagpapatupad ng ceasefire sa palibot ng Azovstal steel plant sa Mariupol.

Ito umano ay para bigyang daan ang paglikas ng mga sibilyan mula sa industrial area, na nakikituloy sa nalalabing Ukrainian resistance sa port city.

Dahil dito, sinabi ng defense ministry na mula 14:00 Moscow time (1100 GMT) ng April 25, 2022, ititigil nila unilaterally ang anumang hostilities, at aatras ang units sa mas ligtas na distansya, at titiyakin ang withdrawal ng mga sibilyan.

Mababatid na ang naturang metalworks ang nananatiling huling pinagtataguan ng mga tropa ng Ukrain na nasa strategic Sea ng Azov port city.

Una nang sinabi ng mga Ukrainian officials na mayroon pang 1,000 mga sibilyan ang nananatili sa loob ng underground tunnels. //MHEL PACIA-TRINIDAD