Russia, magpapadala ng rescue capsule para sa tatlong crew sa International Space Station

Magpapadala ng rescue capsule ang Russia para sa tatlong crew ng International Space Station matapos masira ng meteorite ang kanilang spcaecraft na magbabalik sa mga ito sa Earth.

Ang MS-22 spacecraft na na nakatakdang dalhin ng mga Russian cosmonauts na sina Sergei Prokopyev at Dmitry Petelin at NASA astronaut na si Frank Rubio pabalik sa Earth ay nasira ng isang maliit na meteorite strike.

Sa kasalukuyan ay may pitong tao na sakay ng ISS.

Ang ISS ay mayroon lamang isang “lifeboat” na may kakayahang magdala ng apat na tao, kung sakaling kailanganin nilang lumikas.//CA