Isang lalaki sa South Korea ang magsisilbi ng 22 taon sa bilangguan dahil tangkang pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilya na kanyang kapitbahay dahil sa mga reklamo sa ingay.
Inutusan ng Incheon District Court ang lalaki na magsilbi ng 22 taon sa bilangguan at magsuot ng GPS-equipped electronic monitoring anklet sa loob ng 10 taon sa kanyang unang trial noong Mayo.

Nakumpirma ang desisyon nang bawiin niya ang apela na inihain niya sa Korte Suprema noong nakaraang taon.
Nakilala lamang sa kanyang apelyido na Lee, ang lalaki ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay sa kanyang mga kapitbahay noong December 2021.
Ayon sa ulat , sinugod ng lalaki ang kanyang kapitbahay at sinaksak ang mga miyembro ng pamilya noong November 15, 2021.//CA