Russia ipinag-utos ang paglikas sa mga residente sa Kherson City dahil rocket attack ng Ukraine

Kinumpirma ng Russian forces commander sa Ukraine na mahirap ang sitwasyon ngayon sa southern city ng Kherson kaya naman kailangang mailikas ang mga residente.

Sinabi ni General Segei Surovikin na tinatarget ng Ukraine troops ng Himar rockets ang mga imprastraktura at mga bahay sa lungsod.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Kaugnay nito, sinabi ni Surovikin na uunahin nilang masiguro ang ligtas na paglilikas sa mga residente ng Kherson.

Maliban kay Surovikin, nagbabala din si Russian-installed regional official Kirill Stremousov sa mga residente ng Kherson na hindi malayong maglunsad ng iba pang pagsalakay ang Ukrainian troops sa lungsod.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon sa opisyal, dapat ay seryosohin na pag-aralan ang kanyang babala at madaliin ang paglilikas sa lalong madaling panahon.