Russia inakusahan ang Ukraine na nagkakanlong ng biological weapons ng US

Inakusahan ng Russia ang Ukraine na nagkakanlong ng biological weapons programme ng US.

Nangyari ang akusasyon sa pulong sa United Nations Security Council.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Kaugnay nito ay inihayag ni UN disarmament Chief Izumi Nakamitsu na hindi batid ng ahensiya ang anumang biological weapons programme sa Ukraine.

Tinawag naman ng US ang alegasyon ng Russia na “laughable” at “false flag” na posibleng pahihwatig na may potensyal ang Russia na gumamit ng kaparehong armas.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Samantala, inanunsyo ng Ukraine na posibleng sumali ang Belarus sa pagsalakay ng Russia sa mga susunod na araw.