Mga turista maaari nang magparehiso sa Zambales VIS.I.T.A bilang grupo

Maaari nang magrehistro bilang grupo ang mga turista na nais bumisita sa lalawigan sa Zambales VIS.I.T.A.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Maria Mora, ang gagawin lamang ng isang mag-aasikaso ng registration ay kunin ang mga requirements ng lahat ng mga kasama para i-upload ito sa VIS.I.T.A at pinapayagan ang hanggang 25-katao.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa anunsyo ng Provincial Tourism Office, layon ng sistemang ito ay para mas mapadali ang proseso.

Bukas na rin muli ang probinsya sa lahat ng mga turista mula sa labas ng lalawigan, kinakailangan lamang na bakunado o kaya ay may negatibong resulta ng RT-PCR test, 72-oras bago ang pagdating.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Pinapayagan na rin ang mga menor de edad kahit wala pang bakuna pero dapat ay bakunado ang mga kasamang guardian o nakatatanda.

Samantala, paalala ng Zambales Tourism Office na “No QTP, No Entry”.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text