BNFM BICOL—Inirereklamo ngayon ang ilang mga security agencies sa islang lalawigan ng Catanduanes dahil umano sa kulang na pasahod ng mga ito sakanilang mga hinahawakang security guards.
Ayon kay DOLE-Catanduanes Senior Labor Employment Officer – Danilo Balilo, madalas silang nakakatanggap kamakailan ng mga reklamo kaugnay ng hindi tamang pasahod ng mga security agencies sa lalawigan.
Idinudulog umano ng mga ito ang hanggang 30 araw lamang kada buwan na pa sweldo at hindi na isinasama sa kanilang pay slip kapag nagkataong may 31 ang buwan.
Dagdag pa ni Balilo, ito kase umano ang kontrata sa pagitan ng agency at ng “principal” o ang mga nagpapa serbisyo sa security ngunit ito aniya ay malinaw na paglabag ito sa regulasyon ng DOLE dahil hindi nito sinusunod ang ipinatutupad nilang matrix.
Ang ganitong mga insidente ay bayolasyon sa “non-payment of wages on particular days” at dapat aniyang panagutin ang principal employer hinggil dito.###