Rules of procedure sa pagsasa-ayos ng mga barangay boundary disputes sa lungsod, papagtibayin

Papagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang Rules of Procedure ng pagsasaayos ng mga barangay boundary disputes sa lungsod.

Sa Resolution na isinusulong ng Committee on Barangay Affairs sa pangunguna nina Liga President – City Councilor Bessie Diaz, City Councilors Glenn Olbes at Danny Deladia, papagtibayin nito ang Rule III, Articles 16 at 17 ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991 bilang paghahanda sa posibleng barangay disputes na ihahain sa Sanggunian lalo na at gumaganda ang ekonomiya ng mga barangay at umuunlad na lungsod na hindi malayong magkaroon ng pagbabalangkas ng mga territorial jurisdictions ng mga barangay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa pamamagitan rin nito, magkakaroon ng malinaw na cadastral maps ang mga barangay sa lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakasaad rin sa ordinansa na magiging prerogative o bibigyan ng laya ang sinumang residente na tatamaan ng barangay boundary disputes na mamili kung saang barangay siya magpaparehistro o maging residente.

Bagama’t  idadaan pa sa malalim na pag-aaral ang nasabing ordinansa, kasalukuyang nasa third reading na ito ng Sanggunian bago ito isumite sa Sangguniang Panlalawigan para sa validity o invalidity nito.