Tuluyang nang idineklarang persona non grata sa buong lalawigan ng Palawan ang mga social media personalities na sina Rosmar Tan, Rendon Labador, at iba pa nilang kagrupo sa Team Malakas.
Sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan, inirekomenda ni First District Board Member Juan Antonio Alvarez ang pagpataw ng persona non grata status sa grupo nina Rosmar at Rendon.
Kaugnay ito sa pambabastos nila sa isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Coron sa mismong mayor’s office nang magpunta ang mga ito roon para sa isang charity event.
Sinugod, dinuro, at pinagsisigawan ng grupo, partikular na si Rendon, ang isang tauhan ng munisipyo ng Coron na anila’y nanira sa kanila online.
