Pilipinas, umaapela sa desisyon na alisin ang ilang sports sa SEA Games

Umapela ang Philippines Olympic Committee (POC) sa desisyon ng Thailand na alisin ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu, at karate sa 2025 Southeast Asian Games.

Ang mga sport na ito ay nagbigay ng walong gintong medalya sa Pilipinas noong nakaraang 2023 SEA Games na ginanap sa Cambodia.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, ang apela ay ginawa sa isang pagpupulong ng SEA Games Federation sa Bangkok, at suportado ito ng majority ng mga games members.

Ayon naman sa Chief Official, plano ng Thailand na mag-feature lamang ng 40 sports sa darating na SEA Games 2025.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Ang mga atleta tulad nina Kaila Napolis, Annie Ramirez, Marc Lim, Agatha Wong, Jamie Lim, Sakura Alforte, Elreen Ando, at Vanessa Sarno ay nagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas sa mga nabanggit na sports. (Brigada News Intern – Angela Rose Brazas)