Sa mismong kaarawan ng isang bata, naiwan si Joshua at ang 12-anyos niyang kuya na si Christian sa kanilang tahanan dahil kinakialangan pumasok ng kanilang ina sa trabaho.
Ngunit bumuhos ang luha ng birthday celebrant matapos makita ang surpresa sa bahay nila sa Brea, California.
Inasikaso kasi ng kanyang nanay na si Olga ang surpresa sa kanyang bunso bago ito umalis ng bahay dahil walang maayos na pagdiriwang si Joshua nitong mga nagdaang taon, dahil na rin pandemya.
Upang mapasaya ang kanyang bunso kahit siya’y may trabaho, nag lagay siya ng dekorasyon at mga regalo sa kusina bago ito pumasok.
Naiyak rin naman si Olga nang mag-message si Christian at sinabing umiiyak si Joshua sa sorpresa.
Napauwi agad si Olga ng araw na iyon upang bumawi pa sa kanyang anak. (Brigada News Intern – Marck Jay Lainez)
