Roro Bus driver na inireklamo sa bilis ng takbo, sinuspinde na ayon sa pamunuan

Sinuspendi na ng Rorobus ang kanilang driver na inireklamo dahil sa pagiging kaskasira sa pagmamaneho nitong ika-30 ng Enero sa Palawan.

Ayon kay OIC for Operations Raffy Agito ng RORO Bus company, suspendido ang dalawa na sina Danny Boy Camacho at Dave Paulino ng isang buwan na nagsimula kahapon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dagdag pa ni Agito, ang driver na inireklamong mabilis magmaneho ay si Danny Boy Camacho ngunit damay na rin sa suspensyon si Dave.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, paliwanag umano ng dalawa na normal lamang ang kanilang takbo ng oras na iyon.