Simula sa araw ng Lunes, February 5, huhulihin na ang mga tricycle, pedicab at e-bike na daraan sa national road sa San Mateo Rizal.
Ayon sa lokal na pamahalaan ang pagbabawal ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2023-195 patungkol sa pagdami ng naitatalang road accidents sa bansa nitong mga nakalipas na taon.
Layunin din nitong siguraduhin ang kaligtasan ng mga driver, pasahero, at maging ang iba pang mga indibidwal na gumagamit ng kalsada, partikular na ang mga pangunahing lansangan.
Mahigpit na ipatutupad ang kautusan dahil ang San Mateo ay isang highly urbanize municipalitu at napapaligiran ng mga siyudad.
Sa mga mahuhuli, batay sa ordinansang umiiral sa bayan, ang mga nagmamaneho ng e-bike na tatawid sa national highway ay mapagmumulta ng hanggang 2, 500 pesos.
Para naman sa mga tricycle na mahuhuling lababag hanggang sa 3rd offense ay maaaring makansela ang kanilang prangkisa.