Roque – pumalag sa pagpapa-aresto sa kaniya ng Quad Comm

Naglabas na ng sentimiyento si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque hinggil sa pagpapaaresto sa kanya ng Quad Committee ng Kamara.

Sa kanyang social media page, sinabi ni Roque na ang inquiry ng Quad Comm ay isang policial inquisition laban sa pamilya-Duterte at sa kanya.

Malinaw umanong tina-target nito si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng EJK; Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio, mister ni Vice President Inday Sara Duterte, sa isyu ng droga; at siya sa isyu ng POGO.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ani Roque, sa isyu sa POGO – malinaw na sinabi Cassandra Li Ong na hindi siya ang abogado ng Lucky South 99, at ‘end of story’ na dapat dito, pero hindi pa rin umano tumigil ang pangpa-power trip ng mga kongresista.

Pinagsusumite aniya siya ng mga dokumento ng mga dokumento na wala namang kaugnayan sa POGO.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Kahit daw isumite niya ang mga kinakailangan, hahanap at hahanap pa rin ang mga ito ng paraan upang siya ay madiin.

Sa huli ng kanyang post, sinabi ni Roque na napagdesisyonan niyang hindi na sumipot sa QuadCom hanggang hindi pa nadadala sa Highest Court ang naturang mga usapin.

Kampante umano siya na makukuha niya ang hustisya na nararapat para sa kanya at sa kanyang pamilya.