Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino para sa mataas na trust at performance ratings na natanggap nito sa isang survey.
Batay sa OCTA Research 4th Quarter survey, tumaas ng 4% o umabot na sa 64% ang trust rating poll ng mambabatas mula sa dating 60%.
Ito umano ang pinakamalaking pagtaas na naitala sa lahat ng mga opisyal na kabilang din sa survey.
Maliban dito, mula sa 61%, tumaas din sa 65% ang performance ratings ng Kongresista.
Ani Romualdez, ang magandang resultang ito ay isang inspirasyon para pagbutihin ng Kamara ang kanilang trabaho upang maiangat ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas.
#