Rollback sa presyo ng produktong petrolyo – asahan

GOOD NEWS sa mga MOTORISTA – ROLLBACK ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources – posibleng mabawasan ng P0.50 hanggang P0.80 ang kada litro ng gasolina.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

May inaasahan ding P0.20 hanggang P0.50 na tapyas sa kada litro ng diesel; habang P0.10 hanggang P0.50 naman ang posibleng i-rollback sa kada litro ng kerosene.

Resulta ito ng apat na araw na trading at posible pang madagdagan, ‘o mabawasan.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Matatandaang nitong Martes nang ipatupad ang dagdag-bawas na adjustment.

Sa susunod na linggo, araw ng Lunes, ia-anunsyo ang opisyal ng price adjustment at magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.