Rollback sa Diesel at Kerosene, aarangkada na; presyo ng gasolina tataas

Ipapatupad ngayong araw ang magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina.

Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang presyo ng diesel at kerosene ng P.95 sentimos kada litro at bahagyang tataas naman ng P.55 sentimos sa kada litro ng gasolina.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang naturang galaw sa presyo ng petrolyo ay makaraan ang malakihang rolbak noong Oktubre 10 kung kailan binawasan ng P3.05 ang litro ng gasolina, P2.45 sa diesel at P3 sa kerosene.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Dahil sa panibagong galaw sa presyo ng petrolyo, naitala sa P12.25/litro ang itinaas sa gasolina mula nitong Enero 1, P11.35/litro sa diesel at P5.94 sa kerosene.