Kinumpirma ng health officials sa Central Visayas na naitala ang 32 kaso ng mas nakakahawang Delta variant sa probinsya ng Cebu.
Ayon sa mga otoridad, 19 ang nanggaling sa Lapu-Lapu City, 6 sa Cebu City, 3 sa Mandaue City, 2 sa bayan ng Samboan, at 2 sa Cordova.
Sinabi ni Department of Health-Region 7 director Dr. Jaime Bernadas na nagawa nilang ma-validate ang kanilang mga hinala noon na ang mabilis na hawaan sa lugar sa nakalipas na tatlong linggo ay idinulot ng delta variant.

Naniniwala naman ang DOH-Region 7 na resulta ng local transmission ang mataas na bilang ng variants base sa inisyal na imbestigasyon.
Gayunman, sinabi ng ahensya na patuloy pa itong nagba-backtrack at nagsasagawa ng intensive contact tracing.
Tiniyak naman ni Bernadas na walang dapat ipagalala sa bagong variants, dahil sadyang nagmu-mutate ang virus.
Ang mahalaga anya ay gumagana ang mga bakuna.