RJ Abarrientos ng FEU, magiging parte ng Korean Basketball League

Kinumpirma ng Jumpball Korean sports website na nakatakdang pumirma si RJ Abarrientos ng Far Eastern University (FEU) para sa Ulsan Hyundai Mobis 2022-2023 season.

Ang naturang FEU guard ay pangalawang UAAP player na magiging parte ng Korean Basketball League (KBL) kasama ni SJ Belangel ng Ateneo.

Read More:  UP Fighting Maroons extend winning streak to six after defeating Adamson in UAAP Season 89

Ayon sa Jumpball, nag-iwan si Abarrientos ng malakas na impression sa kanyang mga domestic fans sa kanilang laro sa Gilas Pilipinas na ginanap sa Anyang Gymnasium.

Read More:  Carl James Martin eyes world championship after defeating David Picasso

Samantala, kinumpirma ni FEU athletic director Mark Molina ang naturang balita pero wala pa naman umanong malinaw na detalye ukol dito sa ngayon. (ARGIE ERGINA)