Rita Daniela, sinampahan ng reklamong act of lasciviousness si Archie Alemania

Nagsampa ng reklamong act of lasciviousness si Rita Daniela laban sa kanyang co-actor na si Archie Alemania sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City.

Sa kanyang complaint affidavit, inakusahan ni Daniela si Alemania na nanghalik at nanghipo sa kanya sa loob ng kotse.

Balak na daw sanang umuwi ni Rita matapos ang isang event, ngunit pinilit siya ni Archie na sumakay sa kotse nito habang nagbu-book sa ride-hailing app. Pumayag siyang sumama dahil akala niya’y nahimasmasan na ito sa pagkakalasing.

Dito na siya hinarass at sinabihan pang ‘Pa-booking naman.’ Lakas loob na nakalabas ng sasakyan si Rita kahit na nahirapan siyang pumiglas sa aktor. Alam niya rin daw na may asawa na si Archie kaya’t ilang beses niya rin itong pinagsabihan.

Bago pa man mangyari ang insidente, may nasabi na rin daw si Archie sa gathering na mga ‘inappropriate remarks.’ Kahit hindi siya naging kompartable sa mga nasabi sa kanya, hindi niya na lang rin ito pinalaki dahil akala niya’y napasobra lang ito sa biruan dulot ng kalasingan.

Naglabas din ng screenshot si Rita ng kanilang conversation, kung saan sinabi niya kay Archie na nabastusan siya sa mga ginawa nito sa kanya.

Humingi naman ng tawad ang aktor at sinabing lasing lang talaga siya.