Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon ang turn-over ceremony ng nasa 90 mga Patient Transport Vehicle o ambulansya para sa ilang LGUs tulad ng Cebu, Samar, Bohol, Negros Occidental, Pangasinan, at Tereza, Rizal.
Sa ilalim ito ng programa ng Philippine Charity Sweepstakes Office na Medical transport vehicle donation program.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na target nya kasama ang PCSO na makapag bigay ng tig-dalawang ambulansya kada LGU sa buong Pilipinas.
Naibahagi pa ng Presidente na noong mambabatas pa lamang sya, maraming lumalapit na mga local chief executive at karaniwang hinihingi ang ambulansya. O di kaya naman anya, nabibigyan lang ng ambulance ang isang LGU kapag may palakasan.
Sa ngayon hindi na raw kailangang manghingi ng LGU dahil kusa na itong ibibigay ng gobyerno kesihuda anyang bumuto sa kanya noon o hindi.
Pakiusap lang nito sa mga LGU na alagaan para tumagal ang kanilang unit.
Madali na lang din na mahanapan ito ng pyesa kaya madaling ayusin kapag nagkaroon ng sira.