Rider patay, backrider sugatan matapos bumangga ang sinasakyang motor sa pampasaherong jeep sa Lucena City

Patay ang isang rider habang sugatan naman ang backrider nito matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa Iyam Bridge, Barangay 5, Lucena City nitong Huwebes ng umaga, Abril 25.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ayon sa report, nag-overtake umano ang motor na minamaneho ni alyas “Nicardo”, 59-anyos, sa sasakyan na nasa unahan nito na naging dahilan nang pagsalpok nito sa kaliwang unahang bahagi ng nasabing jeep.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Parehong nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng motor at kanyang backrider kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang driver ng nasabing jeep.