Rider na umanoy naaksidente- patay

Patay ang isang rider na kinilala ng PNP sa pangalang “Noel” residente ng Santol Road, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City nang maaksidente sakay ng kanyang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng National Highway ng Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City bandang alas-dos ng madaling araw nitong Martes, Ika-30 ng Abril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, madaling araw kanina ng may narinig na malakas na ingay ang residente doon ngunit wala silang nakita dahil madilim sa lugar.

Ayon kay kapitan Gualberto Manaeg, umaga na nang makita ang katawan ng lalaki sa gilid ng kanal habang ang kanyang motorsiklo naman ay nahulog na sa kanal.

Samantala, posibleng nag-self-crashed umano ang lalaki at tumama ang ulo nito sa semento sa gilid ng daan dahilan ng kanyang pagkamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *