Rice for Trash Program, isinusulong sa Mabini, Batangas

Batangas City – Patuloy na isinusulong ng green campaigners ang kanilang proyektong rice for trash program sa Mabini, Batangas.

Ito ang naisip nilang proyekto na sagot upang malinis ang mga baybayin at dagat sa naturang bayan, kung saan pinapalitan nila ng bigas ang mga nakokolektang basura ng mga residente.

Ang bayan ng Mabini ay kilala dahil sa mayayaman at magaganda nitong mga corals at marine biodiversity.

Ngunit dahil sa mga nagkalat na mga basurang napupunta sa karagatan, malaki ang epekto nito sa kalikasan at minsan ay nakakain na rin ng mga marine animals.

Nabatid na sinimulan ang naturang proyekto noong nakaraan pangtaon, kung saan naka kolekta na sila ng nasa 2.6 tonelada ng mga plastic at basura, na katumbas ng nasa 5,700 pounds ng bigas na kanila namang naipamahagi.